Over-dosage. r radioblogclub / quicktime player here. =)
the drugged

Name Joe
Birthdate 06.21.84
Class Rat.Cancer
Dx Schizophrenia; undifferentiated
Dosage Vicoden 50 mg QID
Physician Anya Lim
I am worth $10.00

i once loved

1. Sex
2. Drugs
3. Alcohol
4. Pain
5. Chocolate Cake

my daily dosage

Rome-ee
Andrei
Tina
Anya
the mermaid
the photoshop
the hidden mickey
the child prodigy
the doctors clinic
milo freeman
brownglasses
jaymi

the healing process

December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
February 2007
March 2007


credits



factory defect /
Thursday, January 13, 2005

1993.

Hindi ba nakakainis kapag meron kang bagong gamit sobrang excited ka gamitin ito tapos pagkadating mo ng bahay makikita mo na lang...PUMYEMA!!! may sira ang puta!

Factory defect ang kadalasan dahilan na sinasabi sa akin ng kuya ko tuwing nangyayari sa akin iyon. Masasabi kong hindi makatarungan ang pagkakaroon ng gamit na may factory defect pero sino naman ang aking pwedeng sisihin?

Kabaligtaran naman ng factory defect sa gamit, hindi raw normal ang isang pamilya kapag wala raw itong depekto. Sa bagay, halos lahat ng kakilala ko e may sayad rin ng kaunti ang pamilya. Wala rin namang perpektong tao, pamilya pa kaya???

Madalas maikwento sa akin ng aking ina ang mga napagdaanan nilang magasawa noong nagsisimula pa lamang sila. Ako naman, nagkukunwaring di ko maalala ang lahat ng kanyang kwento pero ang totoo... parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Karaniwan na ang sigawan at away ng aking mga magulang sa loob ng bahay. Awa ng Diyos, di pa naman sila gumagawa ng iskandalo sa labas ng aming tahanan. Siyam na taong gulang ako nang masaksihan ko ang unang pinakagrabeng away ng aking mga magulang. Tseke ang pinagmulan ng gulo. Mahimbing kaming natutulog noon ng aking mga kapatid nang magising kami sa ingay ng bunganga ng aking ama. Ratatatatat... 'stig! parang machine gun ang bibig nilang mag-asawa. May hinahanap na tseke ang taty ko noon at pinagbibintangan niya ang aking ina na kumuha nito. Ginamit raw ni mama pang-shoppin. Ewan ko ba, pwede naman niya ito hanapin at tanongin ang aking ina sa mahinahon na pamamaraan. Noong gabing iyon, nagamit na yata ng aking ama at ina ang lahat na masasamang salita na naimbento ng tao. "Shit ka!"... "Ulol!"...Lumalala nang lumala ang eksena. Daig pa ang laban ni Darna at ang Babaeng Ahas. nagkulong ang nanay ko sa banyo---sinisipa naman ng tatay ko ang pinto. CRACK! ayun, wasak ang pinto. Makalipas ang ilang oras napuno rin ang nanay ko. Wala pang limang minuto, nakapagimpake na kaming magkakapatid at lumayas na kami ng bahay. Tumuloy kami noon sa bahay ng aking tiyahin, at parang isang pelikula, nagiyakan silang magkapatid. Lumipas ang ilang araw , bati na ang aking ama't ina. Balikan! Parang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang love story... Nakita kasi ng tatay ko na nailagay pala niya ang nawawalang tseke sa cashbox. leche!

Maraming beses pa naulit ang mga ganitong eksena sa pamilya ko. Iba't ibang rason ng away, lalayas kami, makalipas ang ilang araw uuwing muli. Minsan, nakukuha kong sisihin ang Diyos kung bakit ako nagkaroon ng ganitong klaseng pamilya.Pero tulad nga ng isang factory defect sa gamit, wala kang pwedeng ibang sisihin. Maaaring di mo ito gusto, pero pagtiyatiyagaan at tatanggapin mo rin lang sa bandang huli.


i took a shot.
6:23 PM

0 prescribe me a different pill.

artistahin /
Monday, January 10, 2005

1992.

Lotlot- Tuesday Group. Tina Paner- Monday Group. Romnick at Sheryl Cruz- Friday Group. Kung "That's Entertainment!" ang iniisip mo, TUMPAK!

Naalala mo pa ba ang panahon ng "dats!" at ang infamous at walang kakupas-kupas na Kuya Germs ng 1980's? Ako? di ko na maalala kung kelan nagsimula ang Dats, pero tandang tanda ko pa noong una ko itong mapanood. Sa isang batang probinsyano katulad ko kasi, hanggang pangarap na lamang ang maging isang artista na hinahangaan ng lahat... kahit makakita man lang ng artista, suntok sa buwan na lamang.

Ilang beses na rin akong umasa na balang araw titingalaain rin ako tulad ng mga sikat na batang artista sa pelikula. Daydream dito... daydream doon, di namamalayan na papalapit na ang pagkakataon kong sumikat at maging parte ng isang show.

Napagdecisionan ng school board at a tulong ng music teacher ng school na gumawa ng isang maliit na production para sa nalalapit nitong foundation day. Snow White and the Seven Dwarfs ang napili nilang gawan ng play. Ayos! pagkakataon ko nang sumikat! Sympre gusto ko ako ang Prince Charming! ang crush ko kasi na nasa grade 6 ang napiling snow white. Sympre, dahil ako'y nasa grade 2 lamang noong mga panahon na iyon, di hamak na ako'y napakabata pa at sobrang liit para maging Prince Charming. Minalas! Dwarf ang bagsak ko... at di lang basta dwarf... ako ang napili na gumanap bilang Dopey. "Dopey?! di ba yun iyong tangang dwende!?!" Oks na rin, paulit-ulit kasi sinabi sa amin ng musical director namin na "There are no small parts in this play, only small actors"...ako yung small actor.

Gabi ng play: "It's showtime!" kabado ang lahat. Sa unang pagkakataon naintindihan ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng "butterflies in your stomach". Lumipas ang ilang oras at natapos rin ang show. Success! Ang hirap rin pala magperform sa harap ng maraming tao. Di biro ang kailangan mong pagdaanan makapapaligaya lang ng tao. Ewan ko lang ha, pero tuwing nanonood kasi ako ng Dats, e parang sisiw lang magtanghal. Chicken!... pero di rin pala. Pinanood ako ng aking buong pamilya noong araw na iyon. "i'm so proud of you!" wika ng aking ina. Di ko maihaling tulad ang pakiramdam ko noong sinabi niya saakin iyon. nakita ko kasi sa kanya noong araw na iyon na ipinagmalaki nga ako ng aking nanay.

Instant celebrity ako pagkatapos ng play. Lumipas rin ang mga araw, unti-unti na rin nawala ang pagkabighani ko sa dats at ang pangarap ko maging isang tanyag na artista. Hindi dahil sa naranasan ko na kung papaano maging isang artista, pero dahil naisip ko na hindi mo naman kailangan maging isang artista para ika'y hangaan ng madla. Mapasaya mo lang ang mga mahal mo sa buhay at sabihin nilang ipinagmamalaki ka nila...artistahin na! na-"chicken" ang dats!


i took a shot.
1:29 AM

0 prescribe me a different pill.

math-tinik /
Saturday, January 08, 2005

1991.

Unang baitang. Kakagraduate ko lamang sa prep at laking tuwa ko na tapos na ang maliligayang araw ng aking guro na si teacher lyn sa kakakain ng baon na tapa at hotdog tuwing recess. YES! Goodbye ba-ba black sheep at i'm a little tea pot at hello sibika at cultura at ibang subject na matagal ko nanag gusto mapagaralan.

Unang araw ko sa klase at di maipinta ang aking mukha sa pagka-exited sa mg bagong pwede kong gawin. Sa wakas gradeschool na ko! bibigyan na ko ng allowance ngayon at pwede na ko bumili ng tsitsirya sa canteen. Wala nang tapa at hotdog at pwede na ko kumain ng Pee-wee at Chiz-It!

Taliwas sa aking inaasahan, masmahirap pala ang maging grade 1. Sabi kasi ng aking kuya na parang prep pa rin ang grade 1, dinadagdagan lang ng konti ang mga pinagaaralan. Dinadagdagan my ass! Hindi kaya. Bwisit na kuya kong iyon! Dinadagdagan lang daw ng konti e ang dami kayang dinadagdag! Ang dating plus at minus e maspinahirap na. May times at debaydedbay pa. Leche, Sakit ng ulo! Dahil nga sadyang mahina ako sa math, pilit sinasaksak ng aking ina gabi-gabi ang times table flash cards na ginawa nya sa kokote ko.

Sa kabila ng lahat, meron rin naman akong natutunan sa math kahit papaano. Hindi sinasadya, pero may natutunan ako. Peksman! 8x7=...ano nga nga uli???


i took a shot.
6:08 PM

0 prescribe me a different pill.

galis aso /
Friday, January 07, 2005

1990.

nangyari na ba sa iyo minsan yung bigla mo na lang masasabi sa iyong sarili na ika'y naiiba sa ibang tao? kung ako ang tatanongin, "I get that feeling all the time!" Naks! spokening dollar! maaga akong namulat sa katotohanan na ako'y kakaiba. Kakaiba hindi dahil weirdo ako o ano pero kakaiba na espesyal.

Anim na taong gulang pa lang ako napansin na ng aking mga magulang na ako'y di tulad ng ibang mga bata. Habang ang kuya ko kasi ay nakikipaglaro ng baril-barilan sa aming mga batang kapitbahay, ako naman ay magisang nawiwili sa paglalaro ng G.I.Joe at Jigsaw Puzzles. Ewan ko lang ha, hindi ko kasi makita kung nasaan ang saya sa paglalaro ng baril-barilan e kung pwede ka naman maglaro ng maliliit na tau-tauhan gamit ang iyong imahinasyon at thirst for world domination.

Hindi lang naman sa paglalaro ng G.I.Joe ko napansin ang kaibahan ko sa ibang mga bata...Hello!? ang babaw naman siguro noon diba? Dahil nga hindi ako nahilig sa mga outdoor sports at rambol kasalamuha ang ibang mga bata, madalas akong tuksohing binabae. Hindi raw kasi gawain ng isang normal na batang lalake ang di mahilig sa mga gawaing ginagamitan ng physical strength at 'sang baldeng pawis. Noong una, madalas ko iyakan ang mga bagay na ganoon, siguro marahil masakit ang katotohanan o sadyang masakit lang talaga manukso ang kapitbahay naming napuno na ng galis sa kalalaro sa maruming kanal sa likuran ng aming bahay.

Lumipas ang mga taon at nagsawa na rin ako sa kaiiyak sa mga bagay na sabi nga ng aking ina ay di dapat pinagtutuunan ng pansin. Siguro nasanay na lang ako sa panunukso ng mundo... o dahil siguro lumipat kami ng bahay at di ko na nakita pa ang galisin naming kapitbahay.


i took a shot.
10:18 PM

1 prescribe me a different pill.

panimula /
Thursday, January 06, 2005

"DUDUN! tama na iyang laro kakain na!" iyan ang kadalasang sigaw ng aking ina sa kalagitnaan ng aking paglalaro kung saan malapi na ko sa climax ng aking ligaya. Ops!iba yata iniisip mo? o dahil pangit lang yata pakinggan ang pagkakasabi ko ng aking panimula. Mahilig ako maglaro ng maliliit na tau_tauhan noong bata kaya bawat laro ko e ginagawan ko nang istorya ang bawat tauha...syempre, sa bawat istorya, may simula, "climax" at wakas.

Ipinanganak ako sa isang maliit na bayan apat na oras ang layo sa maynila. Pangalawa sa apat na magkakapatid, ang nanay ko'y nagtratrabaho sa aming maliit na parmasya habang may ari naman ng isang construction firm ang aking ama. Masarap mamuhay sa probinsya, malinis ang hangin, sariwa ang mga gulay at prutas at ang mga bata ay malayang nakapaglalaro ng walang takot na may masamang pwedeng mangyari sa kanila. Sa isang maliit na paupahan likod ng aming parmasya kami noon nakatira. Isang malaking silid kung saan nandoon na ang salas at tulugan sa iisang lugar, "studio type" type" ika nga nila Maaga kinasal ang aking mga magulang kaya wala pa kaming sariling lupa at bahay noon, sabi nga ng aking ama "magiipon muna tayo mga anak saka tayo bibili ng ating sariling bahay".

Sa loob ng pitong taon, limang beses nagdalang tao ang nanay ko, ang sumunod sa akin na kapatid ko yumaon at nakunan naman siya pagkatapos noon. Nagtatanong ka siguro ngayon bakit sinabi kong apat kaming magkakapatid e nawala naman yung dalawa. Nag-adopt kasi ang aking mga magulang noong ako'y na sa highschool na kaya apat na uli kami magkakapatid. Ayaw ko naman sabihin na "nag-ampon" kami dahil masyado naman yata brutal yung salitang yun para sa aking kapatid kaya "nag-adopt" na lang para mas-sosi.

Lumipas ang mga taon at marami na rin akong napagdaanan at ang aking pamilya. Minsan masaklap ang buhay at sa mga di sinasadyang pagkakataon nakukuha ko pa rin ngumiti---


i took a shot.
10:23 PM

1 prescribe me a different pill.

had a very shitty day---dont know why... hey, maybe because its thursday. i was walking home from school and all of a sudden it hit me..i dont have to be "chaching" addicted just so i can say im happy! it was fun while it lasted and i will be forever greatful for everything. i love the four of you so much! thanx! finally im cHacHing free! YEY! ironic, first time im happy and i dont have to celebrate it with you guys-


i took a shot.
10:00 PM

2 prescribe me a different pill.

tina, 01/04/2005:
JUNAS!!!!!!!!!!!!!
i so miss giving you testi....miss you
more that ever!
luvyah!
take care!

tina, 10/28/2004:
who loves my baby joe? i do!!!!!!!
luvyah BABY!!! mmwwwwaaaah!!!!
(sloppy kiss) hehehe

Ynna, 09/19/2004:
three unforgetable events in our lives: (1)
dos cas days: i left the bathroom, a few
hours later you went in, and what have
you found?! tahdah! my napkin full of
bl**d tidbits! and because your a
dumbass and you love me you picked it
up and licked it! *kidding* you ditched it
in the trash bin. (2) when my dad went
to heaven: you were there beside me...
and i love you even more for that! (3)
when i got my car: still don't know how
to drive so one day you went home with
me after hanging out... taught me how to
drive... oh! and because youre a sucky
driver and im a sucky student... BAM!
my car's first dent!

Ynna, 09/19/2004:
im missin you more and more each day.

Ynna, 09/18/2004:
hey you dork! i'm so sorry for being a
snob. it's just that i have so many things
in my head lately, school stuff, dramas
about myself(as always), pom problems
the list goes on and on... you know what
i mean! i'm the queen and your my
drama princess. oh well. i miss you so
much. i hope you know that. i love you.
and we'll see each other soon...

bubbleBathBoi, 09/17/2004:
joe i miss ur blad head... wen will i see
ur bald head?... wen will i drink and play
with ur bald head... be bald again...
haaaay... miss u! joekotoh'

tina, 09/17/2004:
i just cant stop loving you....

SaReE, 09/16/2004:
I miss having coffee and "sigarets"
(wink-wink) with this schmoe... Hehe it
rhymes with joe... joe...schmoe...
anyway... u know that this testi will end
up being stupid, useless and shit... pero
wla lang just for you joe... u know that we
juz love writing crap to each other...
hehe... miss yah so joe... oh see it
rhymes again.. so...joe... buwahaha...
what a load of crap this is... and i'm
loving it... =) mwah-mwah, kisses... =)

tina, 08/29/2004:
hey! stop messin' up my
testimonials...people might believe
the "queen bee" crap you wrote!
hehehehe joke(like i care)..you know i
love you more!mwah! missing you more!

tina, 08/21/2004:
i miss you...there's no othere way to say
it..and i cant deny it..i miss you...i miss
you..it so easy to see...i miss you and
me...

SaReE, 07/26/2004:
Finally, here's a testi for you joe..
Pano ba naman, "tampo-rurots" na ang
drama princess, mas na-una ko pa daw
nagawan ng testi ang faye.. Oh wel..
Joe is my bestest friend. We've been
friends since our elementary days..
That's almost 10 years of grueling,
funnest, happiest, saddest, and
whatever adjective you could think of
can actually describe the friendship we
have. It's like we've been friends for
ages... We've been through a lot of
great and mostly crappy things.. I
dunno what could've happened to moi, if
ever this "pretty prosit" didn't come
into my life. As if he's a part of me,
that makes me complete, keeps me
ticking, and gives me a reason to wake-
up each morning... Wehh, CHACHING!!! No
kidding, no shit whatsoever.. Totoo
lahat sinabi ko...Wuv yah joe! I heart
you-->(this must have been my cheeziest
remark ever) Mwah-mwah.. Kisses! =)

tina, 06/24/2004:
hey BABY! the guy who never
forgets...loves to make me feel
beautiful..and hangs there for support
anytime i need him! a simple "Hi!"
makes my day and gives color to a sad
and crappy day!..we're such lame people
by ourselves but when we're
together...we'd laugh as loud as we
can..WHO CARES!

DUDE! you're more than a good friend!
you're THE BEST friend EVER!

hope this makes you smile....BABY TURT!
mmmwaaahh! love you!

cHacHing, 06/12/2004:
Raindrops on roses and whiskers on
kittens Bright copper kettles and warm
woolen mittens Brown paper packages
tied up with strings These are a few of
my favorite things Cream colored ponies
and crisp apple strudels Doorbells and
sleighbells And schnitzel with noodles
Wild geese that fly with the moon on
their wings These are a few of my
favorite things Girls in white dresses
with blue satin sashes Snowflakes that
stay on my nose and eyelashes Silver
white winter that melts into spring
These are a few of my favorite things
When the dog bites When the bee stings
When I'm feeling sad I simply remember
my favorite things And then I don't
feel...so bad

tina, 04/30/2004:
luv yahh SOoOoOoooOooOOOoooOO much BABY
TURT!!!! mmwwwwaahhh!!!

bubbleBathBoi, 04/15/2004:
kalbo man or may buhok... benta pa rin
si joe kahit kanino. Parehas kaming
head turners... So just feel lucky that
ur frends with joe (and me) cuz good
looking people are hard to come by
nowadays. JOE! Love ko to' haha

Ynna, 01/07/2004:
joe is the sweetest guy in the whole
world. he's so sensitive that you might
think his a queer boy... but yes he is
a queer boy! kidding *wink* i love you.
we've been through a hell lot! as in,
we even lived together before, so we
know each other so well na as in. he is
a coward so i can easily make him do
stuffs. that's why i love you so much.
and he even dedicated his first s**w
b**w to me... isn't that sweet?!=)

tina, 11/29/2003:
baby hoe! uhh joe pala...this hot guy
ryt herre is one of my good friends...a
GREAT DANCER(ata...ewan ko! maarte kasi
ayaw sumayaw in public!)ARTISTIC,
SWEET, SEXY, SARCASTIC, SIMPLE,
SOCIABLE, SOMETHING SOMETHING! hihihih
(",)but one thing i love about
him...he's sOOOOOoooOOOOOoooo
LOVING...one true friend! he can make
you feel beautiful,needed, and
loved...whenever we're together parang
ang bilis ng oras! kainis noh?! noh?!
we've been friends for GOD knows how
long...and you're someone i'd surely
want to spend my life with..?!(did i
say it ryt?mali ata...basta it sounded
good sa ears ko eh)...hihihihi...you
get my point, ryt? we'd still be
friends kahit sobrang old na tau...no
matter how far we are...i'll be here if
you need a pillow...hehehe mishu cuz!
oh and before i end this, did i mention
that he's SOMETHING...what was i
planning to say? kalimutan ko na..cge
next testi nlng uli...LUVYAH!!!


i took a shot.
9:25 PM

0 prescribe me a different pill.