1 prescribe me a different pill.
Bagong salita /
Monday, April 10, 2006
1994.
Naranasan mo na ba na pumasok sa isang silid kung saan lahat ng tao ay nakatitig sa’yo. Ako oo. Ilang beses na at ngayon dahil late ako sa klase.
Unang araw ko noon sa bagong eskwelahan at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako inilipat ng paaralan ng aking mga magulang. Mother Goose Playschool ang pangalan ng paaralan. Baduy man pakinggan, ito ay isa sa pinaka tanyag na paaralan sa buong Dagupan. Late ako noon, hindi ko kasi mahanap ang classroom ko kaya nahuli ako sa klase. KABLAG! Naihampas ko ang bag ko sa klase sa sobrang inis ko sa tatay ko dahil iniwan lang niya ako sa playground noong mga panahon na iyon. Tinginan ang lahat sa akin. Shet! Bagong sal’ta ang yabang na agad ang tingin sa akin ng aking mga kaklase. Minsan ka lang magkaroon ng pagkakataon magbigay ng 1st impression at mayabang pa ang pwede mong ibahagi sa iyong mga kamag-aral. 1st impression nga diba malamang minsan lang talaga iyon mangyari.
Lumipas ang mga araw at hindi naglaon ay nakibagay na rin ako sa aking bagong mundong ginagalawan. Dito ako natuto makisalamuha sa ibat-ibang klase ng tao. Natuto ako magcomute pauwi, maglakwatsa, mag-mura, at mag-kacrush. Sa bago ko kasi na paaralan, ewan ko ba pero uso noon ang pag-mumura at hindi ka "in" kapag wala kang listahan ng mga crush mo. Naalala ko pa noon ang kaunaunahan kong crush… si Myrefe. Cute siya noong mga panahong iyon, ewan na lang ngayon. Ooops! Nakalimutan ko, magkaibigan pa pala kami hanggang sa mga sandaling ito. Tsinita siya. Mahabang buhok, maputi at "petite" ika nga. Hindi ko na rin maalala kung bakit hanggang doon na lang kami. "Crush-crushan". Ganoon naman yata talaga kapag bata ka, hanggang sa paghangga na lang.
Sa tatlong taon ko na inilagi sa paaralang iyon napakarami akong mga ala-ala na hinding hindi ko malilimutan. Masaya kung sa masaya kung bago ang lugar na iyong ginagalawan. Bagong mga mukhang makikita; mga patakaran na ngayon mo lang matutuklasan at mga bagong karanasan magdadala ng panibagong pagtanaw mo sa buhay. Nakakatakot man isipin pero masaya.
i took a shot.
8:06 PM
0 prescribe me a different pill.