artistahin /
Monday, January 10, 2005
1992.
Lotlot- Tuesday Group. Tina Paner- Monday Group. Romnick at Sheryl Cruz- Friday Group. Kung "That's Entertainment!" ang iniisip mo, TUMPAK!
Naalala mo pa ba ang panahon ng "dats!" at ang infamous at walang kakupas-kupas na Kuya Germs ng 1980's? Ako? di ko na maalala kung kelan nagsimula ang Dats, pero tandang tanda ko pa noong una ko itong mapanood. Sa isang batang probinsyano katulad ko kasi, hanggang pangarap na lamang ang maging isang artista na hinahangaan ng lahat... kahit makakita man lang ng artista, suntok sa buwan na lamang.
Ilang beses na rin akong umasa na balang araw titingalaain rin ako tulad ng mga sikat na batang artista sa pelikula. Daydream dito... daydream doon, di namamalayan na papalapit na ang pagkakataon kong sumikat at maging parte ng isang show.
Napagdecisionan ng school board at a tulong ng music teacher ng school na gumawa ng isang maliit na production para sa nalalapit nitong foundation day. Snow White and the Seven Dwarfs ang napili nilang gawan ng play. Ayos! pagkakataon ko nang sumikat! Sympre gusto ko ako ang Prince Charming! ang crush ko kasi na nasa grade 6 ang napiling snow white. Sympre, dahil ako'y nasa grade 2 lamang noong mga panahon na iyon, di hamak na ako'y napakabata pa at sobrang liit para maging Prince Charming. Minalas! Dwarf ang bagsak ko... at di lang basta dwarf... ako ang napili na gumanap bilang Dopey. "Dopey?! di ba yun iyong tangang dwende!?!" Oks na rin, paulit-ulit kasi sinabi sa amin ng musical director namin na "There are no small parts in this play, only small actors"...ako yung small actor.
Gabi ng play: "It's showtime!" kabado ang lahat. Sa unang pagkakataon naintindihan ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng "butterflies in your stomach". Lumipas ang ilang oras at natapos rin ang show. Success! Ang hirap rin pala magperform sa harap ng maraming tao. Di biro ang kailangan mong pagdaanan makapapaligaya lang ng tao. Ewan ko lang ha, pero tuwing nanonood kasi ako ng Dats, e parang sisiw lang magtanghal. Chicken!... pero di rin pala. Pinanood ako ng aking buong pamilya noong araw na iyon. "i'm so proud of you!" wika ng aking ina. Di ko maihaling tulad ang pakiramdam ko noong sinabi niya saakin iyon. nakita ko kasi sa kanya noong araw na iyon na ipinagmalaki nga ako ng aking nanay.
Instant celebrity ako pagkatapos ng play. Lumipas rin ang mga araw, unti-unti na rin nawala ang pagkabighani ko sa dats at ang pangarap ko maging isang tanyag na artista. Hindi dahil sa naranasan ko na kung papaano maging isang artista, pero dahil naisip ko na hindi mo naman kailangan maging isang artista para ika'y hangaan ng madla. Mapasaya mo lang ang mga mahal mo sa buhay at sabihin nilang ipinagmamalaki ka nila...artistahin na! na-"chicken" ang dats!
i took a shot.
1:29 AM
0 prescribe me a different pill.