Over-dosage. r radioblogclub / quicktime player here. =)
the drugged

Name Joe
Birthdate 06.21.84
Class Rat.Cancer
Dx Schizophrenia; undifferentiated
Dosage Vicoden 50 mg QID
Physician Anya Lim
I am worth $10.00

i once loved

1. Sex
2. Drugs
3. Alcohol
4. Pain
5. Chocolate Cake

my daily dosage

Rome-ee
Andrei
Tina
Anya
the mermaid
the photoshop
the hidden mickey
the child prodigy
the doctors clinic
milo freeman
brownglasses
jaymi

the healing process

December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
February 2007
March 2007


credits



galis aso /
Friday, January 07, 2005

1990.

nangyari na ba sa iyo minsan yung bigla mo na lang masasabi sa iyong sarili na ika'y naiiba sa ibang tao? kung ako ang tatanongin, "I get that feeling all the time!" Naks! spokening dollar! maaga akong namulat sa katotohanan na ako'y kakaiba. Kakaiba hindi dahil weirdo ako o ano pero kakaiba na espesyal.

Anim na taong gulang pa lang ako napansin na ng aking mga magulang na ako'y di tulad ng ibang mga bata. Habang ang kuya ko kasi ay nakikipaglaro ng baril-barilan sa aming mga batang kapitbahay, ako naman ay magisang nawiwili sa paglalaro ng G.I.Joe at Jigsaw Puzzles. Ewan ko lang ha, hindi ko kasi makita kung nasaan ang saya sa paglalaro ng baril-barilan e kung pwede ka naman maglaro ng maliliit na tau-tauhan gamit ang iyong imahinasyon at thirst for world domination.

Hindi lang naman sa paglalaro ng G.I.Joe ko napansin ang kaibahan ko sa ibang mga bata...Hello!? ang babaw naman siguro noon diba? Dahil nga hindi ako nahilig sa mga outdoor sports at rambol kasalamuha ang ibang mga bata, madalas akong tuksohing binabae. Hindi raw kasi gawain ng isang normal na batang lalake ang di mahilig sa mga gawaing ginagamitan ng physical strength at 'sang baldeng pawis. Noong una, madalas ko iyakan ang mga bagay na ganoon, siguro marahil masakit ang katotohanan o sadyang masakit lang talaga manukso ang kapitbahay naming napuno na ng galis sa kalalaro sa maruming kanal sa likuran ng aming bahay.

Lumipas ang mga taon at nagsawa na rin ako sa kaiiyak sa mga bagay na sabi nga ng aking ina ay di dapat pinagtutuunan ng pansin. Siguro nasanay na lang ako sa panunukso ng mundo... o dahil siguro lumipat kami ng bahay at di ko na nakita pa ang galisin naming kapitbahay.


i took a shot.
10:18 PM

1 prescribe me a different pill.

Comments:
mahal kita maging sino ka man.

mamahalin kita maging sino ka man.

mahal na mahal kita noon pa man.

walang magmamaliw...

walang magmamaliw...
 
Post a Comment